The Testing Phase:
Importante ito kasi dito mo malalaman kung may demand ba talaga yung product or service mo.
Dito ka rin magte-test ng iba't ibang ad creatives kasama na ang ad copy mo para makita kung alin ba ang pinaka-effective.
I highly recommend na maliit lang muna dapat ang budget mo bago ka mag-all-in.
I personally use a strategy called The 100 Pesos Facebook Ads Strategy Framework, kung saan gumagastos ako ng 100 pesos per ad set daily para mag-test ng paunti-unti slowly but surely.
The Validation Phase:
Kapag nahanap mo na kung aling ad creative at ad copy combination ang effective, it's time to validate your ad campaign gamit ang mas malaking budget—usually around 1,000 pesos per ad set per day.
Normal lang na tumaas ang cost per result tulad ng Cost Per Lead, Cost Per Purchase, o Cost Per Adds to Cart kapag nag-increase ka ng budget.
At this point, kailangan mong alamin kung magkano ang kaya mong bayaran per action.
Example: Kung ang cost of goods mo ay 500 pesos at ang profit margin mo ay 1,000 pesos, technically, ang SRP ng product mo is 1,500 pesos.
Kung ang cost per purchase mo ay 300 pesos, meron ka pang 700 pesos in margins.
(Note: Isama mo ang OPEX or Overhead Expenses para ma-compute ang actual margins mo.)
Now, kung okay sa'yo ang 300 pesos cost to acquire a customer at may room ka pa for profit, then puwede mo nang i-scale ang campaigns mo. Pero kung hindi, you need to focus on lowering your cost per action.
The Scaling Phase (Cost Cap):
If ready ka na magbayad ng 300 pesos to acquire a customer, puwede kang maglagay ng cost cap sa campaigns mo.
Ang ibig sabihin nito ay sinasabi mo kay Facebook na gusto mong i-maintain ang average cost per action mo sa 300 pesos or mas mababa pa.
Anything above 300 pesos ay considered na mahal at dapat na i-control ang budget para hindi ka malugi.
Gusto mo bang matutunan ang strategy na ito?